Miyerkules, Agosto 1, 2012

Signos, agad-agad? Hindi ba pwedeng…

Signos, agad-agad? Hindi ba pwedeng…



Okay, first day ng intrams. ‘An early bird catches the worm’ na naman daw at dahil mamasa-masa ang lupa tiyak maraming aanihing uod. July muli ang intrams kaya malaki ang posibilidad na maging basang sisiw ang mga mamamayan ng kolehiyo. Pero sa totoo lang, ‘water proof’ ang tingin sa amin.
Uulitin ko, first day ng intrams at natunghayan muli ang labanan ng mga dilag at mukhang dalag, at ang modern dance competition na mas inabangan. Umpisa pa lang ng programa at may headline na ang publikasyon, thanks to ‘kulibangbang’ na nagbalita lang din sa akin. Naging isyu kasi ang pagiging ‘early bird’ ng mga dekano’t istudyante na maging ako’y nasapul, ouch!
Kinahapunan, itinigil sandali ang mga laro at isiningit ang mass induction na dati-rati’y sa gabi isinasagawa at sa disco natatapos. Pormal ang lahat kahit ang iba’y nangangamo’y pawis na natural lang naman kasi nga intrams.
Bilisan natin ang kwento, tayo’y magtungo sa gist ng lathalang ito. At binagyo nga ang pagpapatuloy ng intrams matapos ang mass induction. Sa likod ako ng gym nagtungo kung saan naroon ang covered court at oval. Soccer lang at basketball ang laro noon. Sa court ko natunghayan ang animo’y signos na pangyayari. Nasa 500 kami sa court kasama na ang mga players na sumuko sa tindi ng ulan.
‘Yung tipong useless ang payong at maging ang pagsilong sa court. Ni hindi nga maaninag ang paligid.
‘Yung tipong halo-halong reaksyon ang lumukob sa court. May mga nagawa pang magpapicture dahil once in a lifetime daw. May beking sinamantala ang siksikan, para nga naman hindi ginawin.
‘Yung tipong pati langit parang studio. Kidlat dito, kidlat doon. At dahil sa takot sa kidlat, yung babae sa harapan ko napagkamalang kidlat ang flash ng camera. Naku po! Kawawa naman siya kung nakunan ng lente sa ganoong itsura.
‘Yung tipong pati ang katabi mo nakikitawa sa iyo at sumasakay sa kalokohan mo. Siya pa nga ang nagbigay ng ideya na i-blog ko raw ang pangyayari. Pangyayaring pati siya nadala. Gulat din pala si thunder sa thunder. Peace mama!
‘Yung tipong nakita mo si kuya na nag-aangrybirds lang sa psp at walang paki sa mga basang sisiw sa paligid.
‘Yung tipong narinig mo at ng karamihan ang pagsigaw ni ate ng “End of the world na!” at pagkontra ni kuya na nagsabing “Whooo sarap! Wala ng uwian to!” (Naku basta ako uuwi). Anyways, ituloy natin ang kamuritang kwento.
‘Yung tipong pati rostrum pinagtaguan. Ang kakagulantang nga lang eh si manong referee iyon. Kitang-kita ko.
‘Yung tipong magagawa pa ng katabi mong kumaway at mag-hi sa mga kaklase mo sa ibabang bleacher na tila ‘long time no see’ lang.
‘Yung tipong hindi lang ikaw ang problemado at atat umuwi. Si resident doctor unti-unting itinago ang cellphone este cellphones sa supot ng yelo at ready ng suungin ang ulan. Pero natakot ata si dok at hinintay rin ang sundong payong.
‘Yung tipong dahil sa pagsupot ni dok ng gadgets eh si klasmeyt nataranta na. Yung digital camera niya isinupot na rin. Hay, at may camera nga siya. Ba’t hindi niya sinabi agad para naman makapag-picture taking din kami. Buti na lang din at hindi. Kagulo ko neh? Kasi nakapagfocus ako sa mga pangyayaring ito.
At nang tumila na ang ulan, aligaga na ang lahat sa pag-uwi. Basa na naman ang shoes. Dahil dito, parang useless lang ang nakaraang pagtawa. Ni hindi naman ako makangiti ngayon. Delubyo na nga ata talaga! Mapapasubo na naman ako sa paglalaba lalo na sa pagpapatuyo. Well, hindi naman talaga tayo water proof eh, sila lang ang may sabi.

1 komento:

  1. Best Casinos Near Atlanta (AK) - MapyRO
    Find 제주 출장마사지 the best Casinos near Atlanta (AK) with detailed reviews, 사천 출장샵 real people 오산 출장샵 picks & ratings. Find the best casinos 인천광역 출장마사지 in GA, TN, WV, TN, VA, WY, MI, 의정부 출장안마

    TumugonBurahin